Sitio Camurong, Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro
Mula sa sama-samang pagtutulungan ng Provincial & Municipal Task Force-ELCAC Abra de Ilog, kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan, matagumpay na naisagawa ang Ugnayan sa Barangay sa Sitio Camurong, Brgy. Udalo, Abra de Ilog, kahapon, Nobyembre 17, 2020.
Personal na binisita ng mga lider ng lalawigan ng Occidental Mindoro ang mga mamamayan ng nasabing barangay sa pangunguna ng Ama ng Lalawigan Governor Ed Gadiano.
Nagkaroon ng pagpupulong kung saan inalam ng mga lider at iba’t-ibang ahensya ang mga hinaing at problema sa kanilang komunidad upang matugunan at mabigyan ng karampatang solusyon partikular na ang usapin hinggil sa lupain gaya ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) at Certificates of Land Ownership Award.
Ilan sa mga pangunahing prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang kalusugan at pangkabuhayan sa mga residente at katutubong Mangyan ng Sitio Camurong, Brgy. Udalo.
Namahagi ng food packs at mga binhi ng gulay alinsunod sa Programang Balik Sigla sa Pagsasaka at Pangingisda ng OPA.
Kasama sa Ugnayan sa Barangay na ito sina Abra de Ilog Mayor Eric Constantino, Lt Col Bienvenido Jindang Jr. Batcom 76 IB, PEMS Leonardo F Corpuz, MESPO, PPOC Focal Person Manny Tadeo, PTF-ELCAC Focal Person Voltaire Valdez, LGU &MHO Abra de Ilog, Barangay Udalo Officials , DILG, Philippine Army, PNP, NCIP, PVET, OPA, PDRRMO ,PSWDO, IPAO at PESO.
Sa pamamagitan ng personal na pakikipag-usap at paglalapit ng tulong sa mga mamamayan ng lalawigan lalo na sa mga katutubo, buong-loob na naniniwala ang Pamahalaan ng Occidental Mindoro na isa ito sa mga paraan upang makamit ang kapayapaan at pagkakaisa hindi lamang sa lalawigan, kundi sa buong bansa.
#PTFandMTFELCAC
#SerbisyongGanadoGadiano