The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MGA BAGONG RESCUE MOTORCYCLE

Upang mas mapalakas ang iba’t-ibang paraan ng agarang pagresponde sa mga sakuna sa Lalawigan, bumili ang Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa inisyatibo ni Governor Ed Gadiano ng Rescue Motorcycles na itatalaga sa mga Quick Response Teams ng PDRRMO-Mamburao, PDRRMO-Sablayan at PDRRMO-San Jose.

Ang mga Rescue Motorcycles na ito ay para sa First-Aid responders’ ng PDRRMO upang makapag-bigay ng mabilisang paunang lunas lalo na sa mga lugar na hindi kayang pasukin ng Four-wheel vehicles. Dagdag pa dito, maaasahan din ang mga motorsiklong ito sa mga disaster-stricken areas kung saan hirap ng pasukin sanhi ng pinsalang dulot ng sakuna.

Ang mga nasabing Rescue Motorcycles ay kauna-unahan sa MIMAROPA ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Head Mr. Mario Mulingbayan.

#SagipBuhayMindoreño
#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content