INAGURASYON NG KAUNA-UNAHANG HALFWAY HOUSE SA MIMAROPA PARA SA MGA SUMUKONG REBELDE

Tagumpay ang naging inagurasyon at pagbabasbas ng Halfway House para sa mga sumukong rebelde a dating miyembro ng New People’s Army (NPA) at iba pang makakaliwang grupo sa Occidental Mindoro ngayong araw, November 15, 2020 bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-pitumpong anibersaryo ng Lalawigan.

Ito ay sa pangunguna ni Governor Ed Gadiano kasama sina DILG Provincial Director Juanito D. Olave Jr., PhilArmy 203rd Infantry Brigade Commander Col Jose Augusto Villareal, Bokal Diana Apigo-Tayag, PPOC Focal Person Manny Tadeo, Police Provincial Director PCOL Hordan Pacatiw, , Bokal Edwin Mintu, NCIP Noe Raul Zoleta at PSWDO-OIC Antonia Javier.

Ito ang kauna-unahang Halfway House sa buong rehiyon ng MIMAROPA mula sa pagsisikap at pgtutulungn ng DILG, Pamahalaang Panlalawigan at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.

Bilang Provincial Chief Executive at Chairman ng Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC, buong-puso ang paniniwala ng ating butihing Gobernador Ed Gadiano na ang kapayapaan at pagkakaisa ay ang susi sa pagkamit tungo sa mas maunlad na Occidental Mindoro.

#HalfwayHouse
#ECLIP
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content