The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MAHALAGANG PAGPUPULONG ANG MGA LIDER NG LALAWIGAN AT MGA KASAPI NG PROVINCIAL DEVELOPMENT COUNCIL (PDC) SA PANGUNGUNA NI GOVERNOR ED GADIANO

Nagkaroon ng mahalagang pagpupulong ang mga lider ng Lalawigan at mga kasapi ng Provincial Development Council (PDC) sa pangunguna ni Governor Ed Gadiano hinggil sa mga development projects para sa mas ikagaganda at higit pang ika-uunlad ng Occidental Mindoro.

Tampok sa PDC 2nd Semester Full Council Meeting na ito ang mga nakalahad na plano para sa mga susunod na taon na nakatuon sa pangkabuhayan at pagpapalakas ng iba’t-ibang sektor ng industriya gaya ng pangingisda at pagsasaka.

Kasabay din nito ang personal na pagkakaloob ni Governor Ed Gadiano ng tseke para sa Financial Assistance for Conditional Augmentation Fund for Municipal Initiated Projects (CAFMIP) mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro para sa bayan ng Paluan na nagkakahalaga ng Php 2 Million.

Layunin ng ating Gobernador Ed Gadiano na mas matugunan ang mga mahahalagang pangangailangan ng bawat bayan lalo na sa panahon ng pagsubok na ating kinakaharap ngayon kontra COVID-19.

#ProvincialDevelopmentCouncil
#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content