Back to Work.
Masiglang binati ni PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee ang mga lingkod-bayan o empleyado ng PGO San Jose sub-office sa isinagawang flag ceremony kaninang umaga, ika-06 ng Pebrero, 2023 sa Brgy. Magbay sa bayan ng San Jose.
Ang bawat kawani ng PGO SAMARICA ay nakibahagi sa isinagawang flag ceremony bilang simula sa isang linggong pagbibigay ng Serbisyong Ganado para sa ating mga kababayan, sinimulan sa isang panalangin upang gabayan ng Poong Maykapal ang bawat isa at maging ligtas sa pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin. Dito ay masiglang binati ng ating EA June Lee ang mga empleyado at pinaalalahanan sa kanilang mga responsibilidad sa pagbibigay ng tapat at de-kalidad na serbisyo publiko sa ating mga mamamayan.