PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
MGA KABATAANG PWD NAKATANGGAP NG EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE

Sa atas ng ating Gobernador Eduardo B. Gadiano ay pinagkalooban ng Educational Cash Assistance ang ating mga kabataang may kapansanan na patuloy na nag aaral ngayong taon sa iba’t ibang paaralan sa ating lalawigan ngayong hapon, ika-06 ng Pebrero taong kasalukuyan sa PGO San Jose sub-office.
Personal na ipinagkaloob ni Person’s with Disability Affair’s Office (PDAO) focal person Ms. Chona Ordenes ang educational cash assistance kina Maemalyn Dador ng Brgy. San Roque, Ms. Janica Amor Gaciles ng Brgy. Central, Ms. Jesselle Joy Bisonga ng Brgy. San Roque, Ms. Irish Lachica ng Brgy.7, Ms. Isabel Grace Avendano ng Brgy. San Roque at Ms. Angel Heart Mateo ng Brgy. Central bayan ng San Jose. Sa masusing baledasyon at gabay ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ay naipagkaloob ang nasabing educational cash assistance na kung saan malaki ang maitutulong para pambili nang kanilang mga gamit at gastusin para sa kanilang pag aaral.
Lubos naman ang ibinigay na pasasalamat ng mga magulang ng mga nasabing estudyante dahil malaking kabawasan ito sa kanilang mga gastusin at tulong na rin sa pag aaral ng kanilang mga anak na may kapansanan.





