Matapos maisagawa ang level I training tungkol sa Integrated Planning Course on Incident Command System, isinagawa naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa liderato ni PDRRMC Chairman Gov. Ed Gadiano katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction Office ang Level II o ang pagpapatuloy ng training na ito ngayong araw, Pebrero 06, 2023 na ginanap sa Marus Food Lounge, Mamburao Occidental Mindoro.
Layunin nito na paigtingin ang mga Incident Command Measures ng bawat responsableng opisinang nakatutok rito upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng probinsya at maipagpatuloy ang katatagan ng ating lalawigan sa anumang sakuna.
Ito ay pinangunahan ni PGDH-LDRRMO Mario Mulingbayan, LDRRMO IV/ OIC-PGADH John Kenneth Baronggo, Ms. Jonalyn Escartin at EA IV Rexel Tuscano bilang kinatawan ng ating gobernador. Dinaluhan ito ng lahat ng kinatawan ng Local Disaster Risk Reduction Management Office mula sa mga LGUs ng iba’t ibang bayan sa Occidental Mindoro.