The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

PRE-MEMBERSHIP EDUCATION SEMINAR, ISINAGAWA SA BAYAN NG LUBANG

Sa pamamalagi ni Gov. Ed Gadiano sa bayan ng Lubang naging katuwang niya ang Provincial Cooperative Development Office sa pagsasagawa ng Pre-membership education seminar para sa mga nagnanais na magbuo ng kooperatiba, Disyembre 11, 2022.

Dalawang grupo ang dumalo mula sa bayan ng Lubang, ang Tangal Marketing Cooperatives mula sa Barangay Tangal at Masagana Agricultural Farmers and Fishermen Cooperatives mula naman sa Barangay Maligaya na malugod na ginabayan ng PCDO sa pangunguna ni Ms. Adelfa Hornilla.

Ito ay dinaluhan ni EA V Marylou G. Cologan na nag-alay ng kanyang mensahe mula sa Pamahalaang Panlalawigan para sa mga kooperatiba. Naroon rin si Municipal Cooperative Development Officer Daisylyn Busque na siyang naging katuwang ng opisina sa pakikipag-ugnayan sa mga koopertibang nais na dumalo sa isinagawang seminar.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

328042209_728926371909049_788656063757353059_n
328258949_1616867345430187_128935132784579827_n
328229258_938701317129700_6293019918489936405_n
328042127_1701906353586345_2913654785396739172_n
328028076_570779151345028_9022661354106961826_n
326943926_694721565693386_2463786276845740370_n
PIO
PIO
Skip to content