Matagumpay na naisagawa ang pagpupulong ng mga kinatawan ng iba’t ibang goverment agencies at institusyon para sa Provincial Meet 2023, sa tagubilin ng ating Gov. Eduardo B. Gadiano ay pinangunahan ang nasabing pagpupulong ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer – Mario D. Mulingbayan kahapon, ika-22 ng Abril taong kasalukuyan sa bayan ng Sablayan.
Sa nasabing pagpupulong ay natalakay ang ilan sa mga mahahalagang bagay na gagampanan ng bawat isa upang matiyak ang katahimikan at kaligtasan ng bawat kalahok sa nasabing aktibidad.
Matatandaan na mula noong nagkaroon ng pandaigdigang pandemyang dulot ng Covid19 ay pansamantala munang itiginil ang pagkakaroon ng Provincial Meet o ano mang aktibidad upang maiwasan ang pagkakaroon ng nasabing sakit. Bagamat wala nang naiiulat na kaso ng Covid-19 sa ating lalawigan ay hinde nagpapawalang bahala ang ating Gov. Ed at ang Pamahalaang Panlalawigan kung kaya’t patuloy pa ring oobserbahan ang mga health and safety protocols na naayon sa DOH.
Kasama sa mga dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga kinatawan ng DepEd, BFP, PNP Sablayan, PCG, MDRRMO Sablayan, PHO, 68thIB 2IDa, PDRRMO, RESCOM, PIO
Nakatakdang ganapin sa Sablayan Sports Complex at ang naturang Provincial Meet mula sa ika 23 ng Abril hanggang sa ika-27 ng nasabi ring buwan.