The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

PAGBUBUKAS NG FARM TO MARKET ROAD SA BRGY. TANYAG, BAYAN NG CALINTAAN, OCCIDENTAL MINDORO

Opisyal nang binuksan kahapon, Abril 20, 2023 ang Farm to Market Road sa Sitio Alipondo, Brgy. Tanyag sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro.

Ito ay isa sa mga proyektong pang-imprastraktura na mayroong pondo na nagkakahalaga ng P3,994, 678. 25 mula sa Local Government Support Fund- Support to Barangay Development Program at naisakatuparan naman sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Gov. Ed sa Pambansang Pamahalaan na makatutulong upang mapaunlad ang pamumuhay ng ating mga kababayan sa probinsya.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content