The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

PROVINCIAL SPORTS MEER 2023 PORMAL NANG NAGSIMULA

Opisyal nang nagsimula ngayong araw, ika 23 ng Abril taong kasalukuyan ang Provincial Sports Meet 2023 na ginaganap sa bayan ng Sablayan na kung saan nakapagtala ng kabuuang 1,381 mga estudyanteng mula elementary hanggang secondary ang lumahok sa Provincial Sports Meet 2023.

Pinakamaraming delegado ang mula sa bayan ng Sablayan na kung saan 105 estudyante mula sa elementary at 174 na estudyante mula sa secondary, sumunod dito ang bilang mula aa bayan ng San Jose na may kabuuang delegado na 238.

Matapos ang isinagawang parada sa bayan ng Sablayan ay pormal nang binuksan nina Gobernador Eduardo B. Gadiano, Congressman Odie F. Tariela at Vice Governor Diana Tayag gayundin ng mga Sangguniang Panlalawigan at Punong Alkalde ng bawat bayan ang Provincial Sports Meet 2023.

Ang nasabing aktibidad ay para sa tagisan ng palakasan at isip ang mga estudyante mula sa iba’t ibang bayan ng Kanlurang Mindoro. Nakatakdang magtatapos ang nasabing Provincial Sports Meet 2023 sa ika 27 ng Abril taong kasalukuyan.

#OksiminPIO

#BalitaAtUmpormasyon

PIO
PIO
Skip to content