The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MINI RICE MILL AT MGA MATERYALES PINAGKALOOB NG ATING GOV. ED SA MGA KATUTUBO NG BRGY. PACLOLO, MAGSAYSAY

Lubos na pasasalamat ang ibinigay ng ating mga katutubong Mangyan mula sa sitio Emuk at sitio Basa ng Brgy. Paclolo sa bayan ng Magsaysay sa ating Gobernador Eduardo B. Gadiano at Pamahalaang Panlalawigan matapos silang mapagkalooban ng kanilang hiniling na mekanikal na gilingan o Mini Rice Mill at mga materyales para sa pagpapagawa ng kanilang Bagsakan Center.
Bilang bahagi ng programa ng National Task Force to End Local Communism and Armed-Conflict (NTF-ELCAC) na kung saan bilang Chairman ng Provincal Task Force-ELCAC (PTF-ELCAC) ang ating butihing Gov. Ed ay ipinagkaloob sa ating mga katutubong Mangyan na kabilang sa tribong Hanunuo ang kanilang mga kahilingan na gilingan at materyales para sa kanilang itatayong Bagsakan Center para sa mga lokal na produkto. Isinagawa ang nasabing pamamahagi sa Brgy. Covered Court ng Brgy. Paclolo nitong umaga, January 20, 2023 sa bayan ng Magsaysay.
Layon ng ating Gov. Ed na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kapatid na katutubong Mangyan upang hindi na ito mahikayat pa ng mga makakaliwang grupo na sumapi pa sa New Peoples Army at magdudulot ng pagkakahiwalay mula sa kanilang mga pamilya at mahal sa buhay. Patuloy pa rin ang mga programang ipagkakaloob ng PTF-ELCAC sa pangunguna ni Gov. Ed upang mas mabigyan ng pansin ang pangangailangan ng ating mga katutubo at kababayan.
Kasamang dumalo sa nasabing pamamahagi sina PGO SAMARICA Executive Assistant II June Lee, Mr. Primo Estonactoc ng OPA-SAMARICA, mga kawani at opisyales ng Brgy. Paclolo sa pangunguna ni Brgy. Captain Laila Agnes at iba pang mga kinatawan mula sa pamahalaan.
PIO
PIO
Skip to content