The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

ORYENTASYON AT SEMINAR PARA SA MGA PROCESS SERVER NG LAHAT NG OPISINA NG ATING KAPITOLYO, ISINAGAWA

Pinangunahan ng Provincial Accountant’s Office ang Oryentasyon at Seminar para sa mga Process Server ng lahat ng departamento, opisina o tanggapan ng ating Kapitolyo nitong Biyernes, Enero 20, 2023.
Layunin nitong maibahagi ang mahahalagang kaalamang kinakailangan nilang matutunan sa pagpoproseso ng mga mahahalagang papel ng bawat opisina at mga bagong regulasyon ng Bureau of Internal Revenue patungkol sa maayos na pagbubuwis ng bawat empleyado.
Ito ay dinaluhan ng ilang mga BIR Personnel na silang maayos na nagbahagi ng paraan ng pagkakaltas ng buwis sa mga transakyon ng pamahalaan at pagbabayad ng buwis ng mga empleyado nito.
Ang mga kinatawan ng Provincial Budget’s Office, Provincial Accountant’s Office at Provinical Treasurer’s Office naman ay nagtalakay ng mga polisiya sa bawat opisina, tulad ng maayos na pagpoproseso ng mga payrolls at nang iba pang mga mahahalagang transakyon ng kani-kanilang kinabibilangang opisina upang mas mapabilis ang pagproproseso at pagbabayad ng mga ito.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
Default image
PIO
Skip to content