The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

AGARANG TUGON IPINAGKALOOB NI GOV. ED GADIANO SA ATING MGA KABABAYAN

Agarang pagtugon sa ating mga kababayan sa SAMARICA ang ipinagkaloob ng ating butihing Gobernador Eduardo B. Gadiano kahapon ika-19 ng Enero taong kasalukuyan sa kanyang pagdu-duty sa PGO San Jose sub-office.
Masayang nakadaupang palad ng ating Gov. Ed ang ating mga kababayan at mabilisang natugunan ang kanilang mga pangangailangan at hinaing tulad ng tulong-pinansyal, medikal, barangay, trabaho at maging usaping legal tulad ng mga lupa at sakahan. Mula sa sariling suweldo ay nagbibigay si Gov. Ed sa abot ng kanyang makakaya para sa mga kababayan nating kailangan ng agarang tulong upang hindi na kailangan pang pumunta pa ng kapitolyo sa bayan ng Mamburao ang mga kababayan natin mula sa SAMARICA.
Sa mga araw ng Huwebes at Biernes kada linggo ay personal na tumutungo at nagbibigay ng Serbisyong Ganado sa ating mga kababayan sa SAMARICA Area ang ating Gov. Ed, personal na inilalapit ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagbibigay ng Serbisyong Ganado para sa mga taga San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan.
Default image
PIO
Skip to content