The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

DALAWANG DUMP TRUCK IPINAMAHAGI PARA SA BAYAN NG PALUAN

Naisakatuparan na ang kahilingan ng bayan ng Paluan na magkaroon ng dalawang dump truck na malaki ang kapakinabangan sa kanilang lugar at sa nasasakupan nito na ipinamahagi ngayong araw, Enero 17, 2023 sa Tamaraw Hall ng ating Kapitolyo.
Ito ay sa inisyatibo pa rin ni Gov. Ed Gadiano mula sa pondo ng Conditional Augmentation Fund for Municipal Initiated Project mula sa 20% Development Fund ng ating Probinsya.
Personal itong ibinahagi ni Gov. Ed kasama sina Bokal Ryan Sioson at Bokal Eddie Masangkay na buong pusong pasasalamat na tinanggap nina Paluan Mayor Michael Diaz, Vice Mayor Jasmin Fernandez at mga Sangguniang Bayan ng Paluan na sina SB Clei Cababay, SB Marian Ibanez at SB. Roche Bautista.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
Default image
PIO
Skip to content