The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MGA ECCD – DAY CARE WORKERS NG PROBINSYA, PINAGKALOOBAN NG CASH INCENTIVE AT MILESTONE AWARDS

Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng mga kawani ng Early Childhood Care Development (ECCD) Day Care Workers (DCW) mula sa ating probinsya sa ating Governor Eduardo B. Gadiano at sa Pamahalaang Panlalawigan sa kanilang natanggap na Milestone Awards at Year-End Incentive nitong nakaraang linggo.
Katuwang ng ating Gov. Ed Gadiano ang ating Vice Governor Diana Apigo-Tayag at Sangguniang Panlalawigan Board Member Alex del Valle bilang Chairman ng Committee on Women and Children, gayundin sa maigting na pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pangunguna ni Ms. Rosalina R. Lamoca, RSW PGDH-PSWDO, Ms. Ma. Rose Valentine R. Lastimosa PPO IV/ Provincial Focal Person for ECCD at Mr. Arnel Medico RSW,LPT-SWO V-APGDH ay napagkalooban ang 463 ECCD- DCWorkers mula sa mga bayan San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan, Abra de Ilog, Paluan, Sablayan, Mamburao, Sta Cruz, Looc at Lubang ng kanilang mga cash incentive at milestone awards. Patuloy ang pagbibigay ng suporta ng ating Gov. Ed sa ating mga Early Childhood Care Development Day Care Workers upang masiguro ang kanilang patuloy na pagbibigay ng Ganadong Serbisyo sa ating mga kabataan lalong lalo na sa mga liblib na barangay sa ating probinsya.
Isinagawa kamakailan ang nasabing cash distribution at milestone awarding sa bawat bayan ng ating lalawigan, personal na tumungo ang ating mga kinatawan ng PSWDO upang makadaupang palad na rin ang ating mga ECCD-DCW upang gayundin ay magkaroon ng kamustahan at talakayan hinggil sa kanilang mga ginagampanang trabaho at mga karagdagang pangangailangan. Ipinamahagi din ang Milestone Incentive para sa ating mga ECCD-Day Care Workers na tumuntong sa kanilang ika-10, 15, 20, 25, 30 at ika-31 taon na pagbibigay ng Serbisyong Ganado sa ating mga kababayan. Sa tala ng PSWDO, 57 na ECCD – Day Care workers ang napagpakalooban ng Milestone Incentive nitong nakaraang linggo lamang.
Default image
PIO
Skip to content