The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

CAPACITY – BUILDING ON STRATEGIC PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM PARA SA MGA PGOM MIDDLE MANAGERS

Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Ed Gadiano katuwang ang Human Resource Management Office sa pangunguna ni Ms. Marife T. Tañala – Acting PGDH, HRMO ng dalawang araw na seminar para sa mga middle managers mula sa lahat ng opisina at departamento sa Kapitolyo ng Occidental Mindoro, January 10-11, 2023.
Layunin nitong mailahad ang kinakailangang kapasidad, kakayahan at responsibilidad ng mga middle managers ng Provincial Government ng Occidental Mindoro. Tinalakay rin ang pinakamahahalagang konteksto tungo sa maayos na pagpapalakad ng bawat kinabibilangan o pinamumunuan na departamento para sa pagsasagawa at pagpapatupad ng Strategic Performance Management System (SPMS).
Ang Opening Program ay dinaluhan nina Gov. Eduardo B. Gadiano, SP Member, nagpaabot rin ng mensahe si Committee On Labor & Human Resource Development Alex Del Valle, ilan sa mga resource speakers tulad nina OMNHS Principal IV Dr. Fred Magbanua at CSC Occidental Mindoro Field Office Director Marietta P. Santos.
Ang mga ganitong seminar ay isang napakahalagang hakbangin upang masiguro ang maayos na pagganap sa kanya-kanyang tungkulin ng bawat empleyado para sa maayos na daloy na pagseserbisyo ng ating Kapitolyo.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
Default image
PIO
Skip to content