The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MEETING OF POSSIBLE CO-MANAGEMENT SCHEME FOR CARINDAN LAKE

Kahapon, Enero 09, 2022 isinagawa ang isang pagpupulong patungkol sa maayos na pangangasiwa ng plano sa pagpapaganda ng Carindan Lake na matatagpuan sa bayan ng Sta. Cruz, Occidental Mindoro.
Ang Carindan Lake ay personal na nakitaan ng potensiyal ni Gov. Ed bilang isa sa magandang atraksiyon hindi lamang para sa mga Mindoreńo kundi pati sa mga turistang dadayo sa ating probinsya, oras na mas mapaganda ang nasabing lugar. Ang co-management sa proyektong ito ay sa pagitan ng Provincial Government, Local Government Unit ng Sta. Cruz, mga barangay nito at iba pang group Organizations.
Ito ay isinagawa sa Operation Management Center na pinangunahan ni Gov. Ed Gadiano at dinaluhan ng ilan sa mga magiging bahagi sa pagsasagawa ng nasabing proyekto tulad nina Bokal Ryan Sioson, Co-Chairperson ng Turismo, Sta. Cruz Municipal Admin, Atty. Leonardo Abeleda, DENR- PENRO, SVEMS Celso Almazan, PPDO- PGDH Anthony Dantis, PLO Atty. Tirso Augustus Abeleda II, ENRO Ireneo Cortuna, OIC Provincial Tourism Officer Lucille Bico, Chen Mencias at Louie Mencias ng Blue Water Consultancy, Sta. Cruz Tourism Staff Jellie Joy S. Tolentino, at Chairman of Carindan Lake Forest Farmer Association Rogelio Gaspado.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
PIO
PIO
Skip to content