Sinimulan ang taon sa pagbibigay ng Serbisyong Ganado ng ating Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ng ating Gobernador Eduardo B. Gadiano katuwang ang Provincial Veterinarian Office (PVET)sa pagkakaloob ng mga alagaing kalabaw sa ating mga kababayan sa SAMARICA area nitong nakaraang linggo lamang.
Bagong pag asa at pangkabuhayan ang ipinagkaloob ng ating Gov. Ed sa ating mga kababayan na napaapektuhan ng mga nakaraang kalamidad at bagyo tulad ng mga bagyong Tisoy, Quinta at Ursula na nagbigay ng pahirap sa ating mga magsasaka lalo na sa mga nawalan ng mga alagaing kalabaw at baka na kanilang katulong sa mga bukirin. Kasama ang ating PGO SAMARICA Executive Assistant II June Lee at ng mga kinatawan ng PVET sa pangunguna ni Ms. Maria Sonia Gallardo – Agriculturist II ay isa isang ipinagkaloob sa 19 na benepisyaryo mula sa bayan ng San Jose ang mga nasabing alagaing kalabaw.
Ito ay bahagi pa rin ng Typhoon Tisoy-Ursula-Quinta Livestock Rehabilitation Project – Restocking of Animals ng Department of Agriculture kasama ang Pamahalaang Panlalawigan at Provincial Veterinarian Office. Layon pa rin ng nasabing programa na mapagkalooban ang mga naapektuhan nating mga kababayan na nasalanta ng mga nasabing bagyo na magkaroong muli ng mga alagaing baka at kalabaw sa kanilang mga bukirin.