The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MGA SENIOR CITIZEN NG LALAWIGAN NATANGGAP NA ANG KANILANG MILESTONE INCENTIVES AWARD MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Inihandog ng Pamahalaang Panlalawigan sa patuloy na inisyatibo ni Gov. Ed Gadiano ngayon araw, Enero 06, 2023 ang Milestone incentives award na nagkakahalaga ng P1,000.00 hanggang P10,000.00 mga kababayan nating Senior Citizen o mga Sinaunang Kabataan ng lalawigan na may edad 70, 75, 80, 85, 90, 95 hanggang 100.
Ang bilang ng benepisyaryong nakatanggap ng insentibo ay tinatayang nasa 170 mula sa bayan ng Abra De Ilog, 255 mula sa bayan ng Mamburao, 187 benepisyaryo sa Rizal, 164 sa Calintaan at 195 naman mula pa sa bayan ng Magsaysay.
Naisakatuparan ang pamamahagi sa tulong at pondo ng PSWDO sa pamumuno ni Ms. Rosalina R. Lamoca at sa atas ng ating Governor Ed na maipagpatuloy ang pagpaparamdam ng pagmamahal at pagkilala sa malaking bahagi at kahalagahan pa rin ng mga nakatatanda nating kababayan sa ating lalawigan.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiminPIO
Default image
PIO
Skip to content