GOITER AWARENESS WEEK (GAW) 2023 NATIONAL CELEBRATION

TEMA: “Leeg Kapain, Goiter Sugpuin: Isip ay patlinuhin, Iodized Salt ay Gamitin”
Ayon sa Presidential Proclamation No. 1188 na pinirmahan ni Former President Gloria Arroyo noong 2006, naideklara ang huling linggo ng Enero bilang Goiter Awareness Week na taunang isinasagawa upang maibahagi sa publiko ang mahahalagang kaalaaman patungkol sa goiter at sa nagiging sanhi at epekto ng iodine deficiency disorders.
Layunin rin nitong maipaalam sa bawat isa ang mga senyales at sintomas ng pagkakaroon ng sakit na goiter at kung gaano ito kadelikado sa ating kalusugan na maayos na naibahagi nina Dr. Teofilo San Luis Jr. mula sa Iodine Global Network (IGN) at Dr. Maria Teressa Tan mula sa Provincial Health Office.
Personal itong dinaluhan ng ating mga magigiting na Local Medical Doctors, Health Care Workers, Mindoro Occidental Medical Society (MOMS) at ilang mga kinatawan ng PGOM tulad ni EAIV Rexel Tuscano. Dumalo rin ang National DOH MDs, TWG Member Societies at JRMMC MDs at mga trainees nito via zoom.
Hindi man nakadalo ang ating butihing Governor Ed, ipinaabot pa rin niya kaisa ng lahat ng bumubuo ng Pamahalaang Panlalawigan ang kanyang suporta sa pagsulong at pagsugpo ng sakit na ito sa ating probinsya.
#BalitaAtImpormasyon
#OksiMinPIO
PIO
PIO
Skip to content