The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

BAGONG CONCRETE ROAD SA BARANGAY TUBAN SABLAYAN, PINASINAYAAN

Mula sa inisyatibo ng ating butihing Gov. Ed Gadiano, napasinayaan na ang proyektong pagpapasemento ng daan sa Barangay Tuban sa bayan ng Sablayan, Enero 23, 2023.

Ito ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Diana Tayag, mga Bokal ng lalawigan at ng Provincial Engineering Office na siyang nangasiwa sa inspeksyon at pagsasagawa ng proyektong nilaanan ng pondong nagkakahalaga ng Php 34, 971, 917.91.

Ang naisagawang concrete road ay may kahabaang 1.4 kilometro sa pangunahing daan at 880 metro para sa auxiliary roads o kantuhan ng nasabing barangay na mayroon ring road signages na parte rin ng proyekto.

Kasama ni Gov. Ed sa pagpapasinaya ng proyektong ito sina Tuban Brgy. Captain Rolando Perez, Bagong Buhay Brgy. captain Alex Conde at Engineer IV Virgilio G. Suarez mula naman sa opisina ng PEO.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

Default image
PIO
Skip to content