The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

APAT NA INDIBIDWAL AT ISANG ASOSASYONG PANGKABABAIHAN, NAKATANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa inisyatibo ni Gov. Ed Gadiano at sa pangunguna ng Provincial Social Welfare Development Office ang mga pangkabuhayang pinansyal para sa ilang kababaihan ng lalawigan upang pandagdag sa pagpapalago sa kanilang munting pinagkakakitaan, Agosto 29, 2023.

Pinangunahang ipagkaloob ni EA V Marylou Cologan at ilang kawani ng PSWDO ang nasabing pinansyal para sa mga sumusunod na benepisyaryo:

Cosoy Women Vendor Association: P 50,000 (Bakery Project)

Elizabeth Masangkay: P 10,000 (Karenderia) – Solo Parent

Maricris trambulo: P 10, 000 (Talipapa) – Solo Parent

Kim Soriano Glase: P 5,000 (Manicure/Pedicure)

Amelia Obrador: P 10,000 (Lutong Pagkain)- Senior Citizen

Hangad po ng ating Pamahalaang Panlalawigan na ang kaunting tulong na naipamahagi sa inyo ay mas mapagyaman pa sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagpapaunlad ng inyong munting mga negosyo upang makamit ang iisa nating layuning maiangat ang buhay ng bawat isa at makadagdag sa araw-araw na gastusin ng inyong buong pamilya.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content