The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

9TH REGIONAL ORGANIC AGRICULTURE CONGRESS ISINAGAWA SA LALAWIGAN NG OCC. MINDORO

9TH REGIONAL ORGANIC AGRICULTURE CONGRESS ISINAGAWA SA LALAWIGAN NG OCC. MINDORO

Matagumpay na naisagawa kahapon, ika- 29 ng Agosto taong kasalukuyan ang pagpupulong ng mga opisyales at kinatawan ng sektor ng pagsasaka ang 9th Regional organic Agriculture Congress “kabuhayang OA, kinabukasang Ok” na ginanap sa Magsaysay Evecuation sa mismong bayan ng Magsaysay.

Bagama’t suspendido kahapon ang mga pasok sa mga pampublikong tanggapan dahil sa mga malalakas na ulan dulot ng Habagat ay personal na nagtungo at nagbigay ng kanyang mensahe ang ating butihing Gobernador Eduardo B. Gadiano sa mga dumalo at delegado ng nasabing programa, sa nasabi ring okasyon ay nagkaroon ng pagkakataon na maipakita ng iba’t ibang probinsya sa MIMAROPA ang kanilang mga organikong produkto gayundin ang mga kasalukuyang programa at proyektong pang organiko na isinasagawa sa kani-kanilang mga probinsya sa MIMAROPA.

Dumalo din sa nasabing okasyon sina Hon. Cesar M. Tria – Mayor ng Magsaysay, Michael Graciano R. Iledan- Regional OA Focal Person, Hon. Ulysses P. Javier – SP Member Chairman Committee on Agriculture, Engr. Maria Christine C. Inteng, MPM- Regional Executive Director DA Mimaropa Region, Engr. Alrizza C. Zubiri – Assistant Provincial Agriculturist /OIC Provincial Agriculturist at mga Regional Delegates ng MiMaRoPa, NOAB, Local Executives at DA-Mimaropa.

PIO
PIO
Skip to content