PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
Buong pakikiisang dinaluhan ng ating mga kababayang katutubo ang isang Condemnation Rally at Mass withdrawal of Support na mayroong layuning kondenahin ang mga teroristang CPP-NPA-NDF dahil sa sunud-sunod nitong pagdukot at pagpatay sa mga katutubong Mangyan ng lalawigan.
Ang mga nakiisa ay miyembro ng Pantribung Samahan ng Kanlurang Mindoro (PASAKAMI) na nagmula pa sa Bayan ng San Jose, Magsaysay, Rizal, Calintaan na sila ring nanumpa na kailanman ay hindi sila makikianib at susuporta sa mga Communist Front Organization at mga Teroristang NPA.
Saksi ng kanilang panunumpa ang ating mga kasundaluhan ng 203RD Brigade Philippine Army, mga Kapulisan ng 1ST PMFC, mga former rebels ng lalawigan at mga kinatawan ng ilang ahensya ng Gobyerno sa atas ng ating butihing Gobernador Ed Gadiano at pangunguna ni Provincial Task Force at Indigenous Cultural Community Affairs Office Focal Person Voltaire Valdez.
Patuloy nawa nating maisulong sa ating lalawigan ang kaligtasan ng bawat isa mula sa karahasan ng nasabing mga terorista. Kaisa po ninyo ang Pamahalaang Panlalawigan katuwang ng mga ahensyang pang-kaligtasan sa pagsugpo at paghimok sa mga rebelde na magbalik-loob sa gobyerno tungo sa mas ligtas at tahimik na Probinsya ng Occidental Mindoro.