The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MEDICAL AT DENTAL MISSION ISINAGAWA SA BRGY. PACLOLO BAYAN NG MAGSAYSAY

Mahigit sa 300 residente at katutubo ng Barangay Paclolo sa bayan ng Magsaysay ang nabigyan ng Ganadong Serbiyong Medical and Dental Mission sa pangunguna ng ating Gobernador Eduardo B. Gadiano katuwang ang mga doktor at kawani ng Provincial Health Office (PHO) na isinagawa ngayong araw, ika-4 ng Mayo taong 2023 sa Barangay Covered Court ng Brgy. Paclolo.

Anim na doktor, apat na dentista at mga kawani mula sa Occidental Mindoro Provincial Hospital, San Jose District Hospital, Paluan Community Hospital at Magsaysay Rural Health Unit na pinangunahan ni Dr. Maria Corazon B. Tamayo – Dentist III PHO ang nagtutulong tulong upang maisakatuparan ang nasabing Medical and Dental Mission na personal na hiniling ni Brgy. Captain Laila Agnes kasama ang mga konseho ng barangay sa ating butihing Gov. Ed. Bumisita rin bilang kinatawan ng ating butihing Gov. Ed ang ating PGO SAMARICA Executive Assistant II June Lee upang personal na magbigay suporta sa nasabing programa ng Pamahalaang Panlalawigan.

Libreng konsultasyon, pagpapabunot ng ngipin at mga gamot ang hatid ng ating Medical and Dental Mission na madaling araw palang ay bumiyahe na mula sa Mamburao upang masimulan ng maaga ang nasabing Medical Mission sa Brgy. Paclolo, kasabay na rin ng nasabing programa ang pagdiriwang ng ika-54 Founding Anniversary ng Barangay kasabay ng kanilang Harvest Festival 2023. Patuloy naman ang binibigay na seguridad ng mga kapulisan at kasundaluhan sa pangunguna ni Sgt. Lloyd G. Catarong CMO NCO / Bravo 4th IB para sa mga susunod na araw na pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay Paclolo.

PIO
PIO
Skip to content