UNANG BATCH NG COVID-19 VACCINE, DUMATING NA SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO

Magandang balita ang nais ipabatid ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ed Gadiano sapagkat nasa Lalawigan na ngayong araw, March 5, 2021, ang unang batch ng COVID-19 vaccines na lulan ng Philippine Coast Guard (PCG) aircraft.

Mas napaaga ang pagdating nito sa inaasahan at ang naturang roll out ay gaganapin ngayong March 7, 2021 (7:00 am), kung saan unang prayoridad ang ating mga kababayang Health workers.

Matapos salubungin sa airport ang Sinovac COVID-19 vaccines, agad itong dinala sa tanggapan ng OMPH para sa nasabing roll out.

Kasama sa naging pagsalubong nito sina Executive Secretary Ryan Gadiano Sioson bilang kinatawan ni Governor Ed Gadiano, Provincial Administrator Muriel M. Reguinding, Dra. Ma. Teresa Vergara-Tan, MD, FPPS, Provincial Health Office, mga kinatawan ng Philippine Army sa pangunguna ni LTC Bienvenido Hindang Jr. – Commander 76IB, DILG Provincial Director Jun Olave, DOH-MIMAROPA, at Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro.

Inaasahan ng Pamahalaang Panlalawigan ang partisipasyon ng bawat isa para sa tagumpay ng ating patuloy na paglaban kontra COVID-19.

Nagpapasalamat si Governor Ed Gadiano sampu ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa National Government, mga opisyal, grupo at bansang nagsikap para maihatid sa Pilipinas ang mga bakunang ito.

 

#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content