TULONG PINANSYAL SA TATLONG (3) DATING REBELDE NA KASAPI NG NEW PEOPLE’S ARMY MATAPOS MAGBALIK-LOOB SA PAMAHALAAN.

Malugod na iginawad ni Governor Ed Gadiano ang tulong pinansyal sa tatlong (3) dating rebelde na kasapi ng New People’s Army matapos magbalik-loob sa pamahalaan.
Personal na binigay ni Governor Ed ang mga nasabing tseke bilang pabuya kapalit ng pagsuko ng kanilang mga armas na may kabuuang halaga na Php 110,000.00 mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) at Php 25,000.00 Livelihood Assistance naman mula sa PSWDO.
Kasama sa naging paggawad na ito sina DILG Provincial Director Juanito D. Olave, Jr., PMAJ Santos B. Soriano, Deputy Force Commander, 2nd OMPMFC, MAJ Henry A. Pang-ay (INF), Batallion Executive Officer, 76IB at PSWDO Head Rosalina R. Lamoca.
Ang E-CLIP o Enhanced Comprehensive Local Integration Program ay isang programa ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang ating mga kapatid na kasapi ng CPP-NPA-NDF at Militia ng Bayan na nais magbalik-loob sa pamahalaan at pamayanan, upang makapiling muli ang kanilang mga pamilya.
PIO
PIO
Skip to content