The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

PROVINCIAL DEVELOPMENT COUCIL (PDC) MEETING, ISINAGAWA SA KAPITOLYO

Nagkaroon ng pagpupulong ang mga lider ng Lalawigan ng Occidental Mindoro at mga kasapi ng Provincial Development Council (PDC) sa pangunguna ni Governor Ed Gadiano hinggil sa iba’t-ibang mahahalagang usapin patungkol sa ekonomiya, kalusugan, seguridad at pangkaunlaran ng probinsya.
Tampok sa PDC 1st Semester Full Council Meeting na inorganisa ng Provincial Planning and Development Council (PPDC) sa pamumuno ni Sir Anthony A. Dantis, ang legal na usapin hinggil sa rehabilitasyon at pagpapanumbalik ng labingwalong (18) identified River Dredging Zones (RDZs) sa lalawigan alinsunod sa DENR Administrative Order No. 2020-12, ulat patungkol sa COVID-19 vaccination rollout at mga gabay at alintutunin na ipinatutupad ng Provincial IATF sampu ng bawat LGUs.
Bukod dito, nagkaroon din ng makabuluhang pag-uusap hinggil sa magiging parte ng LGU’s Tourism sa Conditional Augmentation Fund for Municipal Initiated Projects (CAFMIP), 2021 Supplemental Annual Investment Program (AIP), Nutrition in Emergency Plan (NIEPlan), 2022 Annual Investment Program at iba pa.
#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content