The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

TITULO AT CLOA NG LUPA, MGA KAGAMITAN AT MAKINARKAYANG PANG-AGRIKULTURA, IPINAMAHAGI NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM MIMAROPA

Labing-apat na farm equipment units na nagkakahalaga ng P2,114,000.00 at isang maliit na irrigation system na nagkakahalaga naman ng P22,291,396.32 ang ipinamahagi sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na pawang mga magsasaka ng ating probinsya, Hunyo 02, 2023.

Kasabay rin nito ang pamamahagi ng Certificate of Land Ownership Award sa 72 benepisyaryo nito at land titles sa 258 ARBs. Nasa 325. 1432 ektaryang lupa ang nabigyan ng CLOA at 263.9692 naman ang nabigyan ng titulo. Kabilang sa naibahaging farm equipments ay anim na water pump set, tatlong hand tractor with implements, tatlong hand tractor with trailer, isang Tariling Harrow at isang 40HP Farm Tractor.

Ang programang ito ay pinangunahan ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform at personal na pinangunahan nina DAR Regional Director-MIMAROPA Atty. Marvin V. Bernal at DAR Support Services Office ASEC Ubaldo R. Sadiarin, Jr at malugod ring dinaluhan nina Gov. Ed Gadiano kasama nina Cong. Odie Tariela at ilang mga Agrarian Reform Beneficiaries.

#BalitaAtimpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content