The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

GOV. ED GADIANO PATULOY SA PAGTULONG SA ATING MGA KABABAYANG NANGANGAILANGAN

Maagang nasabak sa pagbibigay ng Serbisyong Ganado ngayong umaga, ika-06 ng Hunyo taong kasalukuyan ang ating Gobernador Eduardo B. Gadiano sa kanyang pagoopisina sa ating PGO San Jose sub-office sa barangay Magbay sa bayan ng San Jose.

Inumpisahan sa pagbibisita sa mga pagawain sa loob at labas ng gusali ng PGO San Jose sub-office kasama na rito ang pag bibisita sa mga gamit ng Provincial Engineering Office upang kamustahin na rin ang mga kawani dito. Maaga ring humarap ang ating Gob. Ed sa mga kapatiran ng Alpha Kappa Rho – International Humanitarian Fraternity and Sorority Inc. Occidental Mindoro Provincial Council na kanilang isinangguni at inilalapit ang nalalapit na ika-50th anibersaryo ng Magsaysay Municipal Council na magsasagawa ng mga motorcade, feeding program at clean-up drive. Nagbigay din ng panahon ang ating butihing gobernador sa ating mga kababayan na lumalapit ng tulong para sa kanilang pamasahe upang makauwi sa kani kanilang mga pupuntahang probinsya.

PIO
PIO
Skip to content