PUP SABLAYAN CAMPUS TUMANGGAP NG 5 MILYONG PISO MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO

Sa patuloy na pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamumuno ni Governor Ed Gadiano sa ambag at kapabilidad ng PUP Sablayan sa paghubog at paglinang nito sa mga kabataan ng OksiMin, sila ay pinagkalooban ng Limang Milyong Piso (Php 5M) bilang augmentation sa Personnel Services Expenses nito upang makapagpatuloy ng kanilang operasyon.

Ang PUP Sablayan Branch ay naitatag sa bisa ng Republic Act 11056 o mas kilala bilang PUP Sablayan Campus Act. Ayon sa Seksyon 5 ng RA 11056, ang halaga na nakalaan sa operasyon ng PUP Sablayan ay nakacharge sa General Appropriations Act (GAA). Subalit, ang halaga na mula sa GAA 2020 ay sapat lamang sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Unibersidad at walang nakalaan para sa Personnel Services nito.

Personal na iniabot ni Governor Ed Gadiano ang nasabing tseke na nagkakahalaga ng Php 5M kay Ms. Lucille Ramos, Faculty member, bilang kinatawan ni PUP Sablayan Director Leine Alcaraz.

Ang nasabing pondo ay mula sa Provincial Youth Development Division sa ilalim ng pamamahala ng Governor Ed Gadiano na syang pangunahing opisina na nangangasiwa sa mga usaping pangkabataan ng Lalawigan na pinangungunahan ni Mr. Arjay B. Zoleta, Provincial Youth Development Officer.

#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content