The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

PATULOY NA PAGBIBIGAY NG PAGSASANAY UPANG MAPATAAS ANG KAALAMAN AT KAKAYAHAN NG MGA DISASTER VOLUNTEERS, MULING ISINAKATUPARAN NG PDRRMO!

Base sa kahilingan at pakikipag-ugnayan ng Brgy. Malisbong at Brgy. Ligaya, muling nagsagawa ang PDRRMO Sablayan ng Basic Life Support with First Aid Training sa BDRRMC members at community volunteers ngayong ika-22 hanggang ika-23 ng Abril 2021.
Kasama ito sa hangarin ng tanggapan at
sa patuloy na atas ni PDRRMC Chairman Gov. Eduardo B. Gadiano na tumuwang sa pagpapalakas ng kaalaman at kakayahan ng mga kawani ng Barangay at mga nagnanais na maging boluntaryo sa panahong may kalamidad o di mga inaasahang kaganapan. Sila ang magsisilbing kaagapay ng B/MDRRMC at ng PDRRMC sa mga gawaing nangangailangan ng wastong pagtugon gayundin sa mga aktibidad na may kinalaman sa Disaster Management.
Kasama sa pag-uumpisa ng pagsasanay ay si Executive Assistant Clarinda Lorenzo na kinatawan ni Gov. Eduardo B. Gadiano sa PGO-Sablayan.
Default image
PIO
Skip to content