The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

KAUNA-UNAHANG MALASAKIT CENTER SA LALAWIGAN NG OCCIDENTAL MINDORO, OPISYAL NG BINUKSAN

Upang mas mapadali para sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro ang paghingi ng tulong medikal at pinansiyal mula sa mga ahensiya ng gobyerno, inilunsad ang ika-75th Malasakit Center sa bansa sa pangunguna ni Senator Bong Go bilang Panauhing Pandangal kasama ang Ama ng Lalawigan na si Governor Ed Gadiano.

Sa isang Virtual Launching na naganap nitong July 24, 2020 sa Occidental Mindoro Provincial Hospital (OMPH), bayan ng Mamburao, matagumpay na pinasinayaan ang Malasakit Center na naglalayong mapadali ang pagpapaabot ng serbisyong medikal sa lahat ng nangangailangan.

“Uunahin po natin ang kapakanan at kalusugan ng bawat Pilipino. Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop kung saan naroon ang PhilHealth, PCSO, DOH at DSWD na pwedeng tumulong sa inyong bayarin sa ospital para ‘to the minimum’ na lang ang inyong babayaran,” pahayag ni Senator Bong Go.

Isang taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Governor Ed Gadiano kay Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go para sa malaking tulong na ito sa sektor ng kalusugan at mamamayan ng Occidental Mindoro.

Tiniyak din ng Punong Lalawigan na kaisa siya sa maigting na pagsusulong at paglalapit ng tapat at makataong serbisyo para sa lahat lalo na sa mga mahihirap.

Kasama rin sa mga naging panauhin sa nasabing pagdiriwang na ito sina Commissioner of the Presidential Anti-Corruption Commission Mr. Greco Belgica, Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, Mr. Kenneth Depano mula DOH Central Office, Provincial DOH Officer Dr. Michael Enarbia, OIC-PHO II Dr. Ma. Teresa V. Tan, Chief of Hospital Dr. Reynaldo Feratero, PhilHealth Local Health Insurance Officer Ms. Concepcion Mulingbayan-Arteza, DSWD SWAD Team Leader Ms. Shiela Sarabia, Mr. Menard Ebora ng Philippine Red Cross, Ms. Rowena Rebaldo ng PCSO, OIC-PSWDO Ms. Ma. Antonia M. Javier at AKAP-HUB Focal Person Mr. Ryan Gadiano Sioson.

WATCH | Live Coverage Virtual Launching Powered by SnapShot Photo & Video

https://bit.ly/3hCUJe1

 

#75thMalasakitCenter

#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content