MGA PROGRAMA AT SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA MGA MAMAMAYAN NG LUBANG ISLAND

Punong-puno ng makabuluhang talakayan ang naging pagpupulong sa Lubang District Hospital na pinangunahan ng Ama ng Lalawigan- Governor Ed Gadiano, kasama ang iba’t-ibang lider at kawani sa sektor ng Kalusugan.

 

Buong pagmamalaking inilatag ni Governor Ed ang mga sumusunod na programa, proyekto at serbisyong pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa ating mga kababayan sa Lubang at Looc:

 

✅ Sea Ambulance para sa Bayan ng Lubang at Looc

✅ Pagpapa-igting ng Referral System sa Batangas Medical Center at Tertiary Hospitals sa Manila

✅ Pagbili ng mga makabagong makinarya tulad ng Electrolytes Machine, Digital Blood Chem Machine, Mechanical Ventilator at iba pa

✅ Libreng laboratoryo sa lahat ng Senior Citizen,

PWD, Indigent, BHWs sa pamamagitan ng AKAP-HUB Program

✅ Pagbili ng mas maraming gamot at iba pang kagamitan para sa ospital

✅ Pag-upgrade ng ambulansya na ginagamit na mga mamamayan ng Lubang at Looc sa paghatid sa Batangas at Manila

✅ Pagkakaroon ng Halfway house na siyang nagsisilbing bahay ng mga taga bantay ng pasyente sa Batangas

✅ Paghahanap ng partner sa pamamagitan ng Public-Private Partnership para sa CT scan at Dialysis Machine, na nagawa na sa San Jose District Hospital

✅ Karagdagang mga doktor at nurses sa Lubang District Hospital

✅ Planong pagbibigay ng Mobile Dental Bus sa buong Isla ng Lubang

 

Binigyan-diin ng DOH ang patuloy na suporta nito sa Lalawigan lalo na sa bayan ng Lubang at Looc upang mabigyan ng mataas na kalidad and serbisyong pangkalusugan.

 

Kabilang sa nasabing pagpupulong sina Dra. Ma Teresa Vergara-Tan- Provincial Health Officer, LuLo Inter Local Health Zone Chairman Dr. Venmar Sayapal, Mr. Arlix John P. Zulueta II- Lubang and Looc DOH Representative, Dra. Tess Pagilagan- Lubang Municipal Health Officer, DTTB Dr. Daniel Cajayon Panaglima at Dr. Venmar Sayapal, Lubang District Hospital Chief of Hospital.

 

#SerbisyongGanadoGadiano

 

𝘊𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵: 𝘈𝘳𝘭𝘪𝘹 𝘑𝘰𝘩𝘯 𝘗. 𝘡𝘶𝘭𝘶𝘦𝘵𝘢 𝘐𝘐- 𝘓𝘶𝘣𝘢𝘯𝘨 & 𝘓𝘰𝘰𝘤 𝘋𝘖𝘏 𝘙𝘦𝘱𝘳𝘦𝘴𝘦𝘯𝘵𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦

PIO
PIO
Skip to content