LSIs SA ABRA DE ILOG PORT, SINALUBONG NI GOVERNOR ED GADIANO

Para kamustahin at malaman ang kalagayan ng ating mga kababayang Locally Stranded Individuals(LSIs) na dumarating sa ating lalawigan, dumalaw sa Abra de Ilog Port kagabi, June 13, 2020, ang ating Gobernador Ed Gadiano.

Ang Balik-Lalawigan Program ay ang isa sa mga bagay na pinagtutuunan ng pansin ngayon ng ating Pamahalaang Panlalawigan alinsunod sa naging anunsyo ng National Government na pagpayag sa mga naistranded sa ibang lugar sanhi ng ECQ na makauwi sa kani-kanilang mga probinsyang kinabibilangan.

Kasama sa naging aksyong ito ang Libreng Sakay papuntang Batangas Port para sa mga LSIs, pagtatalaga ng Provincial Help Line para sa pagsagot sa mga katanungan hinggil Balik-Lalawigan at maging ang pagtatayo ng designated Help Desks sa bawat entry points papasok ng Occidental Mindoro.

Laking tuwa at pasasalamat naman ng ating mga kababayang LSIs sa naging mainit na pagtanggap at tulong na naibigay ng ating Pamahalaang Panlalawigan upang matagumpay at ligtas silang makauwi pabalik ng ating lalawigan.

#BalikLalawigan
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content