The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

MGA BAGONG DATING NA LSIs, NAKAUWI NA SA KANI-KANILANG MGA BAYAN

Naihatid na ang ating mga kababayang Locally Stranded Individuals (LSIs) sa kanilang mga kinabibilangang bayan matapos dumating sa Abra de Ilog Port kagabi, June 6, 2020.

Sakay ng dalawang bus at isang van na inilaan ng Pamahalaang Panlalawigan mula sa inisyatibo ng ating Gobernador Ed Gadiano, maayos na nakauwi sa kani-kanilang mga bayan ang mga nasabing LSIs.

Nasundo rin ang ibang LSIs ng mga van na iniliaan naman ng bayan ng Calintaan, Magsaysay at Sablayan bilang pagsundo sa kanilang mga LSIs kagabi.

Patuloy parin ang operasyon ng koordinasyon sa iba pang mga kababayan nating LSIs na nagnanais umuwi pabalik ng ating lalawigan mula sa sama-samang pagtutulungan ng LSI Provincial Help Line sa Kapitolyo at ang ating nakatalagang LSI Help Desk naman sa Batangas Port.

#LSIsUpdate
#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content