KAHILINGAN NG ATING MGA KATUTUBONG MANGYAN, TINUGUNAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-unang taon ng pamamahala ni Governor Ed Gadiano, naipamahagi sa ating mga katutubong Mangyan ang kanilang mga naging kahilingan sa personal nyang pagbisita sa kani-kanilang mga komunidad sa ilalim ng programa ng Provincial Task Force-Elcac na Ugnayan Sa Barangay.

Naipamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan sa inisyatibo ni Governor Ed Gadiano ang mga sumusunod na tulong:

Isang (1) Chariot- Pinagturilan IP Community, Sta. Cruz
Isang (1) hand tractor sa Sitio Payompon, Brgy. Pinagturilan
Isang (1) hand tractor – Sitio Camambugan, Brgy. Pinagturilan
Php 15,000.00 Financial Assistance para sa installation ng Jetmatic Pumps na una nang naipahamagi sa Pinagturilan IP Community, Sta. Cruz
Php 120, 000.00 para naman sa pagbili ng isa pang Chariot sa Mananao IP Community

Kasama sa awarding na ito sina Mr. Roche Bautista, IPAO Focal Person, Col Jose Augusto Villareal, Brigade Commander, 203rd Brigade, 2ID, Philippine Army at PLtCol Joseph B Bayan, Provincial Director, PNP.

Tuloy-tuloy lamang ang pakikipag-ugnayan ni Governor Ed Gadiano sa iba’t-ibang komunidad ng ating mga katutubong Mangyan sa buong lalawigan upang mas matugunan at maihatid ang serbisyong may puso at malasakit.

#TulongParaSaMgaKatutubo
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content