The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

ISLA NG LUBANG, BINISITA NI GOVERNOR ED GADIANO

Lulan ng Inflatable Rubber Boats, personal na tinungo ni Governor Ed Gadiano ang Isla ng Lubang kasama ang mga sangay ng Pamahalaan ng Occidental Mindoro upang maghatid ng iba’t-ibang serbisyo at makamusta ang ating mga kababayan sa panahon ng pandemya.

Kasama sa mga programang nakalaan sa pagbisita ni Governor Ed sa dalawang munisipalidad nito – ang Lubang at Looc, ay ang pangunguna sa Groundbreaking ng Solar Street Lights sa Cabra Sub-Island, pagbisita sa kalagayan ng Lubang District Hospital, at ang Blessing & Turnover Ceremony ng Evacuation Center sa Brgy. Araw at Bituin.

Bukod sa mga ito, magkakaroon din ng Distribution of Cash Gifts para sa mga Senior Citizens, Distribution of School Supplies, Launching ng Balik Sigla sa Pagsasaka, at ang pamamahagi ng Payout of Honorarium para sa mga Barangay Health Workers (BHW).

Bagama’t malayo at mahirap ang naturang byahe patungong Isla ng Lubang, hindi ito naging hadlang upang personal na maiabot ang tuloy-tuloy na serbisyo ng Pamahalaan para sa ating mga kababayan, lalo na sa panahon ng krisis sanhi ng COVID-19.

#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content