The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

GROUNDBREAKING NG MGA ITATAYONG SOLAR STREET LIGHTS SA ISLA NG LUBANG, PINANGUNAHAN NI GOVERNOR ED GADIANO

Sa layuning makapagbigay ng liwanag sa mga malalayong lugar o isla ng Occidental Mindoro, pinangunahan ni Governor Ed Gadiano ang Groundbreaking ng mga itatayong Solar Street Lights sa apat na Barangay sa bayan ng Lubang at Looc.

Naganap ang Groundbreaking sa Barangay Cabra, isang sub-island ng Lubang at nakaplanong magtayo rin sa Ambil Island, Barangay Talaotao at Barangay Bulacan sa bayan naman ng Looc.

Sa inisyatibo at malasakit ng Ama ng Lalawigan- Governor Ed Gadiano, katuwang ang suporta ng Pamahalaan, patuloy ang paglalapit ng serbisyo at tulong sa bawat Mindoreño, saan mang sulok ng Lalawigan.

#SolarStreetLightsLubangIsland
#SerbisyongGanadoGadiano

Default image
PIO
Skip to content