The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

INAABANGAN NA SAN JOSE TOWN MALL, PORMAL NANG NAGBUKAS

Pormal nang binuksan ngayong araw, ika-22 ng Hunyo taong 2023 ang pinaka aabangan na San Jose Town Mall sa mismong bayan ng San Jose.

Isang makabagong Town Mall ang pormal nang nagbukas ngayong araw sa bayan ng San Jose na kung saan ay maihahalintulad sa mga malalaki at makabagong mall sa mga karatig siyudad tulad ng Calapan City sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Buong Ganadong sinuportahan ni Gov. Eduardo B. Gadiano kasama sina Congressman Odie Tarriela at Vice Governor Diana Apigo-Tayag ang Ribbon Cutting at Grand opening ng nasabing in fully air-conditioned Mall. Sa pagbubukas ng San Jose Town Mall ay nakapag bigay ito ng dagdag na revenue hinde lang sa nasabing bayan kundi para sa mga mamamayan ng lalawigan tulad ng pagbibigay ng mga trabaho sa mismong mall gayundin ang dagdag na empleyado sa mga stalls at boutiques nito.

Naging maiinit at masaya ang pagtanggap ng mga mamamayan sa pagbubukas ng nasabing mall, dinagsa agad ito ng nga mall goers, mga kabataan at mga nagnanais na makapasyal at makapamili sa mga stalls at stores nito tulad ng Mister Donut, Handy Man, mga cellphone stalls, Robinsons Supermarket, at mga RTW stalls. Kasama rin na dumalo sa nasabing grand opening ang alkalde ng bayan ng San Jose, Honorable Mayor Rey Cajayon-Ladaga, Vice Mayor Sonny Javier, Provincial Board Member Alex Del Valle, Provincial Board Member Nathaniel Cruz, Provincial Board Member Ulysses Javier, Councilor Myrna Zapanta, Calintaan Mayor Dante Esteban, Sablayan Mayor Bong Marquez, mga kawani ng Department of Justice, Department of Trade and Industry, mga opisyales ng San Miguel Company at mga kawani ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan na nagbibigay din ng Ganadong Suporta sa pagbubukas ng San Jose Town Mall. Nandoon naman sa nasabing pagbubukas ang mga kawani ng Philippine National Police at Bureau of Fire Protection upang masiguro ang kaayusan at kaligtasan ng mga naganais mamasyal at mamili sa San Jose Town Mall.

PIO
PIO
Skip to content