DE-KALIDAD NA SERBISYONG MEDIKAL, TUGON SA KALIGTASAN NG BAWAT MINDOREÑO

Sa patuloy na pagsusulong ng mas mahusay na serbisyo sa sektor ng kalusugan sa Lalawigan ng Occidental Mindoro, bumili ang Pamahalaang Panlalawigan ng tatlong unit ng Type II na mga ambulansya mula sa 5% Calamity Fund sa pangunguna at inisyatibo ni Governor Ed Gadiano kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Kauna-unahan ang nasabing klase ng mga ambulansya sa buong Lalawigan at inaaasahang tutugon ang mga ito sa pagbibigay ng Advance Life Support (ALS) sa mga pasyente at may sakit.

Kasama rin ang iba’t-ibang kagamitang medikal na makapagbibigay ng paunang tugon o lunas sa pasyenteng lulan nito gaya ng Ventilation at Airway equipment, maging ng mga Immobilization Devices.

Ang tatlong unit ng mga ambulansyang ito ay ipamamahagi sa tatlong pinakamalalaking ospital sa probinsya gaya ng Occidental Mindoro Provincial Hospital sa bayan ng Mamburao, San Sebastian District Hospital sa bayan ng Sablayan at San Jose District Hospital.

Kasama rin sa nasabing inspection at turnover sina Mr. Mario D. Mulingbayan- PDRRMO Head, Dra. Ma. Teresa V. Tan- OIC-Provincial Health Office at Dr. Reynaldo Feratero- Chief of Hospitals.

Sa naging pahayag ni Governor Ed Gadiano, malaki ang maitutulong ng mga de-kalidad na ambulansyang ito sa mga mamamayan ng Occidental Mindoro lalo na ngayong panahon ng pagsubok at banta sa kalusugan ng bawat isa dulot ng pandemyang COVID-19.

#DeKalidadNaSerbisyongMedikal
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content