BALIK SIGLA SA PAGSASAKA AT PANGINGISDA

Ang Lalawigan ng Occidental Mindoro ay kilala bilang major food basket sa rehiyon ng MIMAROPA partikular na sa produksyon ng bigas at mais.

Bukod sa mayamang agrikultura, taglay din nito ang mga malawak na pangisdaan na siya ring pangunahing pinagkukunan ng hanap-buhay ng mga mamamayan nito.

Subalit dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, lubos na naapektuhan ang pang araw-araw na operasyon ng mga ito at naging sanhi ng paghina ng kabuhayan ng ating mga kababayang magsasaka at mangingisda.

Mula sa inisyatibo at pangunguna ng Ama ng Lalawigan na si Governor Ed Gadiano, katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist (OPA), inilunsad ang proyektong “Balik Sigla Sa Pagsasaka At Pangingisda”.

Binuo ito upang matulungan ang bawat isa na makabangon at makapagsimulang muli, gayundin ang maibalik at mapataas pa ang produksyon ng pag-aani at palaisdaan.

Sa unang bahagi ng nasabing proyekto ay ang pamamahagi ng libreng 1,100 Tilapia fingerlings sa bawat isang benepisyaryo at maging mga pakain nito gaya ng Feeds-Fry Mash, Starter feeds, Grower feeds at Finisher feeds. Tumanggap ang ating mga kababayang mayroong backyard fishpond na dumaan sa balidasyon ng Office of the Provincial Agriculture (OPA).

– Abra de Ilog: 62 beneficiaries
– Paluan: 15 beneficiaries
– Mamburao: 169 beneficiaries
– Sablayan: 174 beneficiaries
– Sta. Cruz: 180 beneficiaries
– Sablayan: 174 beneficiaries
– Calintaan: 100 beneficiaries
– Rizal: 100 beneficiaries
– San Jose: 100 beneficiaries
– Magsaysay: 100 beneficiaries

Bukod sa Tilapia Culture, magkakaroon din iba’t-ibang programa sa ilalim ng “Balik Sigla Sa Pagsasaka At Pangingisda” gaya ng Gulayan sa Barangay, Multiple Cropping Model Farm, Sea Weeds Culture, Fish Capture at pagbili ng Surplus Agri-Fishery produce.

Buong-pusong naniniwala si Governor Ed Gadiano na ang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ay isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagkamit ng kaunlaran sa Lalawigan sa kabila ng kinakaharap nating krisis sanhi ng pandemya.

#BalikSiglaSaPagsasakaAtPangingisda
#TilapiaCulture
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content