PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
PROVINCIAL GOVERNMENT OF OCCIDENTAL MINDORO
PROVINCIAL CAPITOL BUILDING, MAMBURAO OCCIDENTAL MINDORO, 5106
Isang gabi na puno ng kasiyahan at kagalakan ang inihatid kagabi ng ating ama ng lalawigan, Gobernador Eduardo B. Gadiano para sa mga mamamayan ng San Jose sa ginanap na unang Ganadong Talento Singing Contest San Jose sa Municipal Plaza ng nasabing bayan.
Sampung mang aawit ang nakipagtagisan sa bawat isa upang palaring maging kauna unang Ganadong Talento Champion sa bayan ng San Jose. Ito ay handog ng ating Gov. Ed para sa mga maamamayan ng San Jose para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Patrong San Jose ang Manggagawa at pagcecelebrate ng ika-113 taong anibersaryo ng bayan ng San Jose. Masusing tagisan at paghahatol ang isinagawa ng tatlong hurado sa katauhan nina hurado Joe Paz, hurado Ferdinand Teoducio at hurado Regino Acosta Jr., matapos ang matinding tagisan sa pagkanta ng sampung mang aawit ay isa lang ang tinanghal na Kampyon sa nasabing singing contest, ang pinagmamalaking mang aawit ng Barangay Labangan, Arra Jane Juanillo. Sumunod bilang first runner up na si Crisha De Pedro ng Barangay San Roque at Alfhonsa Calosor ng Barangay Caminawit bilang 2nd runner up.
Naging matagumpay ang nasabing Ganadong Talento Singing Contest sa tulong ng mga organizers at Komite de Festojos ng bayan ng San Jose sa pangunguna ni San Jose Councilor Dra. Myna Zapanta. Dumalo din sa nasabing patimpalak sina 2nd district Board Member Jose Franco Coco Mendiola, San Jose Mayor Rey C. Ladaga, San Jose Vice Mayor Sonny Javier, kinatawan ni Congressman Odie Tarriela sa katauhan ni Ryan Satoquia, PGO SAMARICA Executive Assistant II June V. Lee, PGO Executive Assistant IV Rexell Tuscano, PGO MBAO Focal Person Gelo Isla Tayo, PGO SAMARICA Secretary to the Governor Guia Manelle Camandang, mga kawani ng Provincial Information Office, mga staff ng PGO San Jose Sub-Office at mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng San Jose. Ang kauna unahang Talentadong Ganado Singing Ganado ay inorganisa sa tulong nina Sherwin M.Marasigan, Kitty Ramos Nolasco at Roderick Marasigan, binigyang kulay at sigla nina Mr. Mariboy Ysibido at Ms. Kendi Ririt bilang mga beteranong host ng mga singing contest at iaba pang aktibidad na ginaganap sa bayan ng San Jose.