TULOY-TULOY NA SERBISYO SA GITNA NG PANDEMYA

Bagama’t patuloy paring lumalaban ang buong mundo sa krisis na dulot ng COVID-19, hindi humihinto ang ating Pamahalaan sa pag-abot ng serbisyo at tulong para sa mga mamamayan.

Sa layuning makamit ang kapayapaan at pagkakaisa hindi lamang sa lalawigan, kundi sa buong bansa, patuloy ang pangunguna ng Ama ng Lalawigan Governor Ed Gadiano kasama ang Provincial at Municipal Task Forces, mga kasundaluhan, kapulisan at mga ahensya ng Pamahalaan upang personal na makipag-usap at maglapit ng iba’t-ibang tulong sa mga mamamayan ng lalawigan lalo na sa ating mga katutubo.

Ang mga larawang ito ay mula sa naging “Serbisyo Caravan at Ugnayan Sa Barangay” sa Sitio Binuwangan, Brgy. Harrison, Paluan nitong Nobyembre 6-7, 2020 kung saan inilunsad ang “Balik Sigla Sa Pagsasaka At Pangingisda” at Kaalalay Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Naniniwala si Governor Ed Gadiano, na sa mga importanteng panahon ng pagsubok gaya ng kinakaharap nating pandemya, ay mas kailangan ng suporta at malasakit ng Gobyerno lalo na sa ating mga kababayang mahihirap at mga katutubo.

#TheWorkingGovernor
#SerbisyongGanadoGadiano

PIO
PIO
Skip to content