
Nagtungo ang Values Formation Office sa Provincial Jail Occidental Mindoro upang maghatid ng isang Spiritual Development Activity o pagbabahagi ng isang napakahalagang aral upang mabigyan ng pag-asa ang mga kababayan nating bilanggo o Persons Deprived of Liberty, Hunyo 19, 2023.
Ito ay sa patuloy na atas ni Gov. Ed Gadiano sa ilalim ng kanyang programang I-HEARTS katuwang ni Pastor Jun Javate. Naging kaisa rin ng nasabing tanggapan ang Gideon’s International na namahagi naman ng Gideons Tagalog Bible sa bawat isa.











