Pinagkalooban ng ama ng lalawigan, Gobernador Eduardo Gadiano sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development Office ng mga Hygiene at anti-covid protection kits ang mga guro at estudyante ng mga Day-Care Centers sa 11 bayan ng Occidental Mindoro.
Bawat set ay nagpapaloob ng polo-shirt para sa mga Day-Care workers, hand soap, towel, alcohol, hand sanitizer, face mask at face shields para sa mga batang eatudyante ng day-care. Sa kabuuan, 455 Child Development Workers of Occidental Mindoro ang nakatanggap ng mga nasabing alalay mula sa inisyatibo ng butihing Gobernador ng lalawigan, Gov. Ed Gadiano. Ang pamamahagi ng mga hygiene kits ay pinangunahan ni PSWDO Head Ma. Antonia Javier, RSW at sa pakikipagtulungan ng Day Care Workers Federation of Occ. Mindoro, Inc. (DCWFOMI) na kinakatawan ng kanilang Federation President Lilibeth Valera.
Ginagawa ng Pamahalang Panlalawigan ng Kanlurang Mindoro ang lahat ng paraan upang matulungan at mabigyan ng tulong ang lahat ng sektor ng pamayamanan sa lalawigan. Patuloy na tutulungan ni Gov. Ed ang mga guro at mga batang estudyante upang huwag maantala ang kanilang pagtuturo at kaligtasan ng mga nasabing mag-aaral.