The Official Website of Occidental Mindoro

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

KAMUSTAHAN SA PAMAYANAN SA SITIO BATO ILI-III, BRGY. BATASAN SA BAYAN NG SAN JOSE

Naging mainit at masaya ang ginanap na Kamustahan sa Pamayanan sa Sitio Bato ili-III, Brgy. Batasan sa Bayan ng San Jose sa pangunguna ng ating ama ng lalawigan, Gobernador Eduardo B. Gadiano kaninang umaga.
Sa nasabing kamustahan ay nakadaupang-palad ng butihing gobernador ang apatnapung (40) sitio leaders ng katutubong Tau-Buhid, dito ay nagkaroon ng pagkakataon ang ating mga katutubo mangyan na mailapit sa ating pamahalaang panlalawigan ang kanilang mga karaingan at pangangailan. Ito naman ay agad aaksyunan ng ating Gov. Ed upang mapadama sa ating mga katutubo ang serbisyong ganado ng ating lalawigan.
Pinagkalooban din ng mga grocery items ang 70 katutubong pamilya at nagkaroon din ng munting salo-salo na ihihanda ng ating Gov. Ed, kasama ng ating butihing gobernador ang kanyang mga katuwang sa pagbibigay ng serbisyo publiko na sina 2nd District Board Member Dra. Bing Barrera-Fajardo, aspiring bokal Ramon Quilit at Binibining Mariafe del Rosario-Villar sa nasabing Kamustahan sa Pamayanan. Masayang nagtapos ang programa na may ngiti at makabuluhang alala sa mga katutubong Tau-Buhid ang pagbisita ng ating ama ng lalawigan.
PIO
PIO
Skip to content