IBA’T IBANG URI NG SERBISYO INIHANDOG SA BAYAN NG CALINTAAN, OCCIDENTAL MINDORO

Sa isinagawang Serbisyo Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro sa pamumuno ni Gov. Ed Gadiano sa Barangay Tanyag sa bayan ng Calintaan, Occidental Mindoro, iba’t ibang serbisyo ng bawat ahensya ng lokal na Pamahalaan ang naihatid sa mga kababayan natin roon.

Narito ang mga pangunahing serbisyong naipamahagi ng Caravan na natanggap at nagbigay saya sa bawat mamamayan ng nasabing barangay.

PHO/ MHO/ARMY- Medical Check-up para sa 262 residente, 105 sa Dental at Tuli para sa 57 Kabataan.

PCIC- Insurance para sa High Value Crop ng sampung magsasaka.

PESO- Trabaho handog ng DOLE Tupad para sa 115 aplikante.

PVET- Pamamahagi ng Tatlong Baboy, isang baka, isang kalabaw at isang aso.

TESDA- Pagbibigay kaalaman sa paggawa ng Tocino para sa Dalawampu’t limang kalahok.

MHO- Pamamahagi ng 28 pcs Kulambo para sa buntis, 28 LLN, 27 UA, 7 Sputum Collection, 31 RBS, 31 Bloodtype testing at 5 Implant.

MDRRMO at PSWDO- 400 Food packs para sa lahat ng mamamayan.

PDRRMO-Foodpacks para sa 250 residente.

OPA- 50 bags ng binhing pananim para sa mga katutubo.

BFP- 5 Inquiry on Recruitment Process.

LCRO- 45 PBRAP

MSWDO- 132 Certificate of Financial Incapability at 4 solo parent.

MENRO- 15 Inquiry on cutting permits.

Isang araw ng buong siglang paghahandog serbisyo tungo sa mas pinaunlad na pamumuhay ng ating mga kababayan sa bayan ng Calintaan.

#BalitaAtImpormasyon

#OksiMinPIO

PIO
PIO
Skip to content