The Official Website of Occidental Mindoro

 

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

OCCIDENTAL MINDORO

GOVERNOR ED GADIANO, NAMAHAGI NG ABONO SA MGA KABABAYANG MAGSASAKA NA NAAPEKTUHAN NG BAGYO

Personal na ipinamahagi ni 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢 ngayong araw, Agosto 5, 2025, sa Kapitolyo ng Lalawigan ang abono o fertilizer para sa mga magsasaka na kabilang sa mga identified beneficiaries na naapektuhan ng nagdaang bagyong nagdulot ng malaking pinsala sa lalawigan.
 
Ito ay isa sa mga interbensyon na isinasagawa ng Pamunuang Gadiano na bahagi ng patuloy na programang ipinatutupad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA), sa pamumuno ni Ms. Alrizza C. Zubiri. Layunin nitong matulungan at agad na tumgon sa mga agarang pangangailangan ng mga mamamayan tuwing may kalamidad.
 
Bawat bayan sa lalawigan ay mayroong tinatayang 52 na mga benepisyaryo batay sa datos na isinumite ng kanilang Municipal Agriculture Office (MAO). Bagama’t hindi pa saklaw ang lahat ng bayan sa pamamahagi ngayong araw, tinitiyak ng pamahalaan na mabibigyan ang lahat ng kwalipikadong magsasaka sa mga susunod na araw.
 
Katuwang ni Gov. Ed sa naturang aktibidad si Sangguniang Panlalawigan Member Hon. Eddie Masangkay. Makakaasa ang lahat na patuloy na pagsusumikapan ng Pamahalaang Panlalawigan na maipaabot ang mga kinakailangang tulong at serbisyo saan mang bahagi ng lalawigan.
 
𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢! 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!
Feel free to share this on your other social media platforms
MIS
MIS